Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki patay matapos makagat ng asong ulol sa Kabacan, Cotabato

Written by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/March 8, 2012) ---Binawian na ng buhay ang isang lalaki makaraang makagat ng asong ulol sa Brgy. Bannawag, Kabacan, Cotabato kahapon.

Ayon sa impormasyong nakuha ng DXVL News mula sa isang pinagkakatiwalaang source, kinilala ang biktima na si Diosdado Condrilion, nasa tamang edad, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Noon pa umanong Enero a-singko kinagat ng asong ulol ang biktima at tuluyan na itong namatay kahapon sa mismong bahay nila matapos kumalat ang rabies virus sa katawan nito.

Ipinagamot pa ng kanyang pamilya si Condrilion sa tandok.

Ang asong ulol na kumagat sa biktima ay kinain pa umano ng ilang mga kasama nito sa bahay.

Kaya payo ni Dr. Sofronio Edu ang Municipal Health Officer ng Kabacan na unang nagsagawa ng inspection kahapon sa bargy. Bannawag na magpa konsulta ang mga kapamilya nitong kumain ng  asong ulol na baka kasi kumalat ang virus.

Pinayuhan din nito na ilibing ngayong umaga bangkay ng biktima 24 na oras matapos namatay si Condrilion.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento