Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ama, pinatay ng sariling anak sa Matalam, North Cotabato dahil sa di pagbebenta ng kalabaw; suspek kalaboso

Written by: Rhoderick BeƱez


(Matalam, North Cotabato) ----Kalaboso at naghihimas ngayon ng malamig na rehas bakal ang suspek na pumatay mismo sa kanyang ama sa Matalam, North cotabato dakong alas 9:30 nitong linggo ng umaga.

Batay sa report ng Matalam PNP, kinilala ni P/Chief Insp. Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Juanito Juala, magsasaka at residente ng Purok 12, Brgy. Sarayan, Matalam, Cotabato.
Batay sa report, sinugod umano ng suspek na si Ruben Juala, 40 –anyos, walang asawa at residente ng nabanggit na lugar ang bahay ng kanyang ama ng walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.


Hindi pa makuntento ang suspek at idinamay pa nito ang kanyang ina dahilan din kung bakit nagtamo ng sugat sa noo si ginang Juala.

Napag-alamang may hinanakit ang suspek sa kanyang ama dahil sa hindi nito pagpayag na ibenta ang kalabaw at nauwi ito sa isang trahedya.

Bagama’t nakatakas ang suspek matapos ang insedente ay nahuli pa rin ito ng mga pulisya.
Sa ngayon nasa Antipas Medical Specialist naman ang ginang kungsaan patuloy na nagpapgaling habang nasa Amas Provincial Jail ang nasabing suspek.(with report from Vanea Delfa Cuenca)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento