Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki patay sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato

Written by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/March 6, 2012) ---Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspetsado dakong alas 10:45 kaninang umaga sa Mantawil St., Kabacan, cotabato partikular sa Slaughter haouse.

Kinilala ni P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Ben Dimacaling na nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala sa kanyang katawan na nagging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Dalawang mga basyo ng bala ng kalibre .45 na pistola ang ginamit ng salarin sa pamamaril batay sa narekober sa crime scene.

Mabilis namang kumaripas ang suspek papalayo sa di malamang direksiyon matapos ang insedente
Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kabacan PNP sa nasabing pangyayari.

Ito na ang pangalawang shooting incident na naitala ng Kabacan PNP ngayong buwang ito. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento