Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki binaril patay sa Kidapawan City

(Kidapawan city/March 6, 2012) ---Patay ang isang lalaki nang barilin ng ‘di kilalang suspect sa may Talisay Street sa Poblacion ng Kidapawan City, alas-715 kagabi.


Kinilala ang biktima na si Damaso Adame na residente ng Damacon Subdivision ng lungsod.
Ayon sa report, naglalakad lang sa may kalsada ang biktima nang sundan ng suspect at barilin nang tatlong beses.

Nagawa pang makatakbo ng biktima pero nasukol pa rin siya ng suspect, ayon sa isang nakasaksi.

Nakita pa ng testigo ang pagtakbo ng suspect papalabas ng Talisay Street, habang bitbit ang caliber 45 pistol na ginamit sa pamamaril.

Patuloy pang inaalam ng Kidapawan City PNP ang motibo sa pamamaril at ang nasa likod ng naturang krimen.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento