Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga Drug den sa Kidapawan City, sinalakay ng mga kapulisan; 9 na drug courier na natimbog, kinasuhan na!

(Kidapawan City/ September 26, 2015) ---Kalaboso ang siyam-katao makaraang salakayin ng mga operatiba ng pulisya ang sampung kabahayan na sinasabing drug den sa Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng madaling araw. 

Kabilang sa mga suspek na kinasuhan ay sina Abie “Bulaw” Sultan, Randy Lagum Villagonzalo, Rodel Pacate Malasan, Nurhidin Omar Dumacon, isang alyas Jocelyn, at apat pang iba.

Ayon kay P/Senior Supt. Alex Tagum, provincial director ng North Cotabato PNP, isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek base sa search warrant na inisyu ni Judge Arvin Balagot ng Regional Trial Court Branch 23. 

Magkakasabay-sabay na sinalakay ng pulisya ang sampung kabahayan sa Barangay Poblacion bandang alas-3 ng madaling araw. 

Nasamsam sa mga suspek ang dalawang Granada, 30 plastic sachets ng shabu at ibat’ ibang uri ng drug paraphernalia. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento