Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Extortion group at mga sundalo, nagka-engkwentro; 2 patay, 3 sugatan

(North Cotabato/ September 11, 2015) ---Napatay ang dalawang miyembro ng extortion group habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraang makipagbarilan sa tropa ng militar kahapon sa bisinidad ng SK Pindatun Avenue sa Cotabato City, Maguindanao. 

Kinilala ni Cotabato City PNP director P/Senior Supt. Rex Anongos, ang mga napatay na sina Amina Adam at Roland Kabatuan.
Lumilitaw na naaktuhan ng mga nagpapatrolyang pangkat ng 5th Special Forces Battalion ng Philippine Army ang nasabing grupo na nanghaharas sa mga residente kaya sumiklab ang shootout na tumagal ng 20-minuto bago bumulagta ang dalawa.

Naaresto naman ang lider ng grupo na si Robin Montes alyas Kumander Black Moro na isinailalim na sa tactical interrogation. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento