Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Serial Killer at 2 pang kasama nito na notoryos criminal, arestado sa Kabacan, NCot!

(Kabacan, North Cotabato/ September 11, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng tatlo katao, isa dito ay pinaniniwalaang hired killer habang ang dalawa ay mga notoryos na kriminal sa inilatag na check point sa Brgy. Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 10:45 kagabi.

Nanguna sa pagresponde si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kasama ang hepe ng Kabacan PNP na si PSI Ronnie Cordero kungsaan nahuli ang mga suspek na kinilalang sina Badjuri Dimanalaw Pigkawalan, 25-anyos residente ng Purok Krislam; Mahajar Dadilan alon, 32-anyos ng Brgy. Kayaga at Totin Abas Kalantongan ng brgy. Kayaga lahat sa bayan ng Kabacan.

Nakuha mula sa mga suspek ang 1 granada (hand grenade), 1 kalibre 38 na revolver at dalawang sachet ng shabu.

Lulan ang mga suspek ng sinasakyang tricycle na may body number 0554, kungsaan naka-impound naman ang kanilang sasakyan sa Kabacan MPS.

Ang tatlo ay itinuturong responsable sa mga nagdaang shooting incident at carnapping sa bayan.

Si Alon ay dati na ring naaresto ng mga pulisya sa panahon ng dating Chief of Police na si Supt. Jordine Maribojo dahil sa iba’t-ibang mga krimen na kinasasangkutan nito.

Ang tatlong mga notoryos na criminal ay sangkot sa mga pamamaril, illegal na droga, carnapping at Gun-for-hire na may aktibidad sa bayan ng Kabacan, ayon sa pulisya.
Napag-alaman na isa sa mga suspek ay itinuturong responsible din sa pagpatay sa dating miyembro ng Kabacan PNP.

Sa ngayon, inihahanda na ng Kabacan PNP ang patong-patong na kasong isasampa laban sa mga ito. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento