Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Brgy. Kagawad, panibagong biktima ng pamamaril sa bayan ng Pres. Roxas, NCot

(North Cotabato/ September 8, 2015) ---Patay ang isang brgy kagawad makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa Sitio Kamangahan, Brgy. Ilustre, Upper Roxas, Pres. Roxas, North Cotabato ala 1:20 kaninang madaling araw.

Sa report na nakarating kay PCI Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office kinilala nito ang biktima na si Kagawad Wendel Gasita residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat habang naghihintay ang biktima sa pag-uwi ng mga kalahok at mga manonood ng kanilang amateur singing contest kaugnay sa selebrasyon ng kanilang kapiestahan ay pinagbabaril ang konsehal ng barangay.

Naisugod pa sa bahay pagamutan si Gasita pero di na ito umabot pa ng buhay.

Matatandaan na nitong Biyernes lamang ng hapon (Setyembre 4) pinagbabaril din hanggang sa mapatay ang isang sub contractor engineer sa nasabing bayan.


Pero ang mga kapulisan blanko pa rin sa motibo sa mga magkakahiwalay na pamamaslang sa lugar. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento