Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Drug related, isa sa mga anggulong sinusundan ng mga kapulisan sa pagpatay sa mag-live-in partner sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 19, 2015) ---Isa ang anggulong onsehan sa droga sa mga tinututukan ng mga kapulisan sa pagbaril patay sa magkalaguyo matapos itong ratratin ng motorcycle-riding assassins sa bisinidad ng Mantawil Extension, Barangay Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Insp. Ernor Melgarejo, hepe ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Rey Dacula ng Brgy. Nangaan, Kabacan at Daisy Guerrero ng Bonifacio Street sa Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng Kabacan PNP, pauwi na ang dalawa lulan ng motorsiklo nang sabayan at ratratin ng tandem pagsapit sa nasabing lugar.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Ang laganap na illegal na droga sa bayan ng Kabacan ang isa sa mga ugat ng kriminalidad na siya’ng tinututukan ng pamunuan ng Kabacan PNP, ayon pa sa pulis opisyal. Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento