Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga Detachment ng sundalo sa Maguindanao; hinarass ng mga BIFF

(North Cotabato/ August 7, 2014) ---Sunod-sunod na sinalakay ng mga bandidong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang mga army detachment sa lalawigan ng Maguindanao.

Una nito, hinarass ngmga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang army detachment sa Barangay Ganta, bayan ng Shariff Saidona Mustapha gabi ng Lunes kung saan nasundan ng palitan ng putok.


Ayon kay Col. Dickson Hermoso, spokesperon ng 6th Infantry Division, Philippine Army nagtanim ang mga rebldeng grupo ng Improvised Explosive Device (IED) sa pinangyarihan ng pang-aatake ngunit maswerte na walang nasugatan sa panig ng militar ngunit sa kanilang clearing operation nakitang may mga dugo kaya naniniwala ang mga ito na may mga casualties sa panig ng BIFF.

Samantala, maliban nito sinundan pa ang harassment Martes ng gabi sa army detachment naman sa Barangay Damablas, Datu Piang, Maguindanao ngunit hindi naging matagumpay ang BIFF dahil agad na nakadepensa
ang mga militar.

Alas 6:30 naman kahapon ng umaga ng muling isinagawa ang harassment ngunit hindi parin nanging matagumpay ang mga ito ngunit nagdulot ng takot sa mga residente sa lugar.

Sa ngayon patuloy ang berepikasyon ng mga suldado kung ilan ang casualty sa panig ng BIFF. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento