Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bagong Kapitan ng Brgy. Ulandang sa Midsayap, naitalaga na

(Midsayap, North Cotabato/ August 8, 2014) ---Matapos mapaslang sa nangyaring raid kamakalawa may naitalaga ng bagong kapitan ng Brgy. Ulandang, Midsayap, North Cotabato.

Ang naturang impormasyon ay inilabas matapos magsagawa ng pagpupulong ang mga opisyales ng barangay Ulandang sa tanggapan ni Midsayap Mayor Romeo Aranya, kasama si DILG Local government operations officer at Sangunian ng bayan representative Ricardo Fernandez napagdesisyonan na ang nangunang kagawad ng baranggay na si Sahada Pipican ang ipinalit kay
yumaong Ibrahim Simpal alyas "Ibu" bilang punong baranggay ng Brgy. Ulandang.

Sinabi ni Fernandez na naging basehan nila ang local government code ng taong 1991 ukol sa law of succession na ang mismong papalit sa kapitan ang ang nangunang kagawad.


Una rito, nais ng pamilya Simpal na mula sa kanilang pamilya ang maging kapalit ng ni Dating kapitan Simpal pero hindi ito pinahintulutan. Rhoderick BeÑez 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento