Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Binatilyo sinermunan ng tatay, nagbigti...Misis umuwing buntis; mister nag-suicide…

(Sultan Kudarat/ August 5, 2014) ---Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 16-anyos na tinedyer na sinasabing siner­munan ng kanyang tatay makaraang magbigti sa kanilang bahay sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat noong Biyernes ng gabi.

Sa inisyal na impormasyong ipinarating ng Lambayong PNP, natagpuang nakabitin si Jeric Lim sa kanyang kuwarto.

Bago ang insidente, pinagalitan umano ito ng kanyang tatay dahil sa hindi nasunod na utos na mailuto ang noodles.

Nabatid na ikinatwiran ng biktima na inutusan din siya ng kanyang nanay kaya nakalimutan naman ang pagluluto ng noodles.

Sinasabing dinamdam ng biktima ang sermon ng kanyang tatay kaya nagkulong sa kuwarto saka nagpasalubong kay kamatayan.

Samantala, nagpakamatay din ang 47-anyos na mister makaraang madiskubreng buntis ang kanyang misis na umuwi mula sa Kuwait kahapon ng madaling araw sa Purok Riverside, Barangay El No­nok, bayan ng Banga, South Cotabato.

Nagbigti sa tubo sa likurang bahagi sa kanyang bahay nang matagpuan ang biktimang si Arthur Gillesania.


Sinasabing naging desperado si Gillesania nang malamang umuwing buntis mula Kuwait ang kanyang misis. Rhoderick BeƱez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento