Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Planning Officer ng Maguindanao, patay sa pamamaril!

(Cotabato City/ July 18, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang Planning Officer ng Maguindanao sa nangyaring krimen sa bahagi ng Sinsuat Avenue, Cotabato city pasado alas 4:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni Cotabato City Police Director Col Rolen Balquin ang biktima na si Engr. Sadat Pandalat, 48 anyos residente ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan
Sa inisyal na pagsisiyasat sakay sa kanyang Toyota Corolla ang biktima buhat sa kanyang trabaho at nag-hihintay na lamang ng kanyang estudyanteng anak ng pagbabarilin ng mga riding tandem assassins sa tapat lamang ng isang paaralan.

Sa pinakahuling police blotter, ito na ang ikatlong kaso ng shooting incident sa lungsod sa loob lamang ng isang linggo.

Matatandaan na nitong Miyerkules isa ring Construction Foreman ang itinumba habang patay rin noong Huwebes ang isang dispatcher.


Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang follow-up imbestigasyon ng mga pulisya sa lugar. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento