Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 katao kalaboso sa pagdadala ng baril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ July 19, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng dalawa katao makaraang mahuli ng mga elemento ng Kabacan PNP sa isinagawang operation sita at kapkap bakal sa Rizal Avenue, National Highway, Kabacan, Cotabato alas 4:30 ng madaling araw kamakalawa.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina Abdulgapor Ampatuan Manambuay, 29-anyos, may asawa at magsasaka at ang kasama nitong si Edgar Mamasabulod, 31-anyos kapwa residente ng brgy. Simbuhay ng bayang ito.

Nakuha mula kay Manambuay ang isang kalibre .45 na pistol habang narekober naman sa posisyon ni Mamasabulod ang 2 piraso ng cartridge case ng kalibre .45 napistol.

Nasabat din ng mga pulisya buhat sa mga suspek ang kanilang sinasakyang motorsiklo na XRM 110 na walang mga kaukulang dokumento kaya naka-impound ito ngayon sa Kabacan PNP.

Kapwa nasa kustodiya na ngayon ng Kabacan PNP Lock up cell ang dalawang mga suspek.

Sinabi ni Supt. Maribojo na nahuli ang suspek ilang oras bago nagsimula ang “Takbo para sa batang Kabakenyo” a fun run for a cause ng DXVL FM kaninang umaga habang nagsasagwa sila ng clearing sa erya sa dadaanan ng mga partisipante ng nasabing fun run. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento