Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Depression at Matinding problema sa pamilya kaya preso sa loob ng Tulunan PNP lock up cell nagbigti

(Tulunan, North Cotabato/ June 5, 2014) ---Pinaniniwalaang matinding problema sa buhay at depression ang dahilan kung bakit kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 46-anyos na preso na nagbigti sa loob ng kulungan ng Tulunan PNP alas 5:30 kamakalawa ng hapon.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP kinilala ang biktima na si Rodrigo Tabalina Tanallon, 46, may asawa at residente ng Purok, Brgy. Sibsib, Tulunan, Cotabato.
Nabatid na ang biktima ay ikinulong mismo ng kanyang Misis dahil sa paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and children o VAWC.

Ayon kay Cordero, bago nangyari ang suicide ay may sulat itong ibinigay sa kanyang misis sa planu nitong kitlin ang kanyang buhay.

Ayon kay PO3 Rodolfo Escarlan III ang desk Officer ng tulunan PNP na ginamit ng biktima ang lace na ikinabit sa window grill para magbigti.


Naisugod pa ang biktima sa Fr. Tulio Favali Hospital pero binawian na rin ng buhay pagdating sa ospital. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento