Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga Colleges/Units ng USM, may bago ng mga Deans

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2014) ---Pormal ng iniluklok kahapon sa iba’t-ibang mga kolehiyo dito sa University of Southern Mindanao ang mga bagong deans ng bawat colleges.

Ito ang napag-alaman kay USM Spokesperson at UPRIO Director Dr. Rommel Tangonan sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Ang search committee ay binuo ni USM Pres. Francisco Gil Garcia na pinamumunuan ni chairperson Dr. Rosafe Hondrade, Vice Chairman naman si Vice President For Administration and Finance Dr. Lope Dapon, member; Dr. Jalica Caop at si Dr. Rommel Tangonan kungsaan tumulong din sa nasabing aktibidad si Director for Instruction Dr. Bong Murray.

Narito ang pangalan ng mga bagong deans: CA Dr. Purification Cahatian; CBDEM Dr. Jul-Aida Enock; IMEAS Prof. Abdulkadir Badrodin; ISPEAR Dr. Judy Garcia; CENCOM Dr. Nelson Belgira; CAS Dr. Evangeline Tangonan; CVM Dr. Emerlie Okit; Graduate School Dr. Consuelo Tagaro; CED Dr. Kulano Kautin; CHS Prof. Emmalyn Mamaluba; CHEFS Dr. Urduja Nacar at sa USM KCC Dr. Luz Taposok.

Ang kumpirmasyon ay gagawad ng Pangulo ng USM kasama ang Board of Regents ng Pamantasan, ayon kay Dr. Tangonan. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento