Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Most wanted na timbog ng Pikit PNP; inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest

(Pikit, North Cotabato/ May 13, 2014) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang pinaniniwalaang most wanted sa bayan ng Pikit makaraang maaresto sa Brgy. Fort Pikit, Cotabato alas 4:00 ng hapon nitong lingo.

Kinilala ni PInsp. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit PNP ang suspek na si Abdulrashid Simpal Bantuan, 51-anyos at residente ng brgy. Talitay sa nasabing bayan.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong robbery at double homicide batay sa warrant of arrest na inilabas ni Hon. Judge George Jabido ng RTC Branch 18.

Matagal na umanong tinitiktikan ang suspek na nagtatago sa bahay ng kanyang kamag-anak sa nasabing lugar.


Sa ngayon pansamantalang nakapiit sa Pikit lock up cell ang suspek. Rhoderick Beñez with report from USM-DevCom intern Regine Lanuza DXVL NEWS!

0 comments:

Mag-post ng isang Komento