Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 huli sa magkahiwalay na operasyon kontra illegal na sugal sa Matalam, NCot!

(Matalam, North Cotabato/ May 12, 2014) ---Dalawa katao ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng Matalam PNP kontra illegal na sugal sa bayan.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Coloni, hepe ng Matalam PNP ang mga natiklo na sina Johnlyn Juanico, 22-anyos, residente ng Dalapitan, Matalam habnag kinilala naman ang isa pa na si Warlito Takas Sebu, binata at residente ng Malita, Davao del sur.


Ang dalawa ay nahuli sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng Matalam na nagpapataya ng illegal number games na mas kilala sa tawag na last two aals 3:00 kahapon ng hapon.

Nakuha mula sa dalawa ang mga last two paraphernalias at iba pa kasama na ang ilang mga cash.
Sasampahan ang mga nahuli ng paglabag sa PD 1602 as amended by RA 9287 na ngayon ay nasa kustodiya ng Matalam PNP. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento