Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek sa pagpatay sa 60-anyos na magsasaka sa Arakan, North Cotabato, sumuko na!

(Arakan, North Cotabato/ February 3, 2014) ---Naghihimas nang malamig na rehas bakal ang 39-anyos na magsasaka matapos na paslangin nito ang 60-anyos na lolo na katiwala sa sakahan sa Barangay Datu Mantangkil, Arakan, North Cotabato ala 1:40 ng madaling araw nitong Sabado.

Kinilala ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang biktima na si Federico Salvani residente ng nasabing lugar at katiwala sa sakahan ni Rolly Leoncito.

Sa di malamang dahilan ay pinagsasaksak ng suspek na si Jerry Reyes ang biktima hanggang sa napatay nito.

Boluntaryo namang sumuko sa kanilang amo na si Leoncito ang suspek at agad na tinurn-over sa Arakan PNP.

Sa panayam ng DXVL News kay Oranza sinabi nitong personal grudge ang lumilitaw na dahilan ngnasabing krimen.

Sa ngayon inihahanda na ng Arakan PNP ang kasong kriminal na kakaharapin ng suspek. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento