Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Misis at kalaguyo na Barangay Kagawad, huli ni Mister sa loob ng mismong bahay nila

(Matalam, North Cotabato/ January 31, 2014) ---Dumulog na lamang sa himpilan ng Pulisya ang mister matapos na tutukan ito ng baril ng kalaguyo ng misis sa Purok 3, Barangay Salvacion, Matalam, North Cotabato.

Batay sa report ng Matalam PNP, pwersahan umanong pinasok ni Guillermo Shabok ang bahay nila matapos na nagtaka itong nakasarado ito kahit tanghali.

Ang matindi pa umano ay ayaw siya’ng papasukin ng kanyang Misis.

Kaya gumawa ito ng paraan para makapasok sa bahay at doon na naaktuhan nitong nagsasama ang dalawa.

Kinilala ang misis ng nagreklamo na si Milla Shabok habang kinilala naman ang kalaguyo nitong barangay kagawad na si Arthur Lano.

Tinutukan pa umano ng baril ni Lano ang mister na si Guillermo at sinabihan pa sa ilonggong dialekto na “Kalma kalang to” kaya tumakas ang mister at nagsumbong sa PNP.

Sa ngayon tumakas ang dalawa sa di malamang direksiyon. Princess Ann Tupas

0 comments:

Mag-post ng isang Komento