Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tricycle at Truck nagkabanggaan sa Pikit, North Cotabato; 6 patay, 1 kritikal

(Pikit, North Cotabato/ February 4, 2014) ---Magkakasunod na sinalubong ni kamatayan ang anim-katao kabilang ang isang buntis habang nasa malubhang kalagayan naman ang isa pa makaraang araruhin ng dumptruck ang traysikel sa bahagi ng Barangay Batulawan, bayan ng Pikit, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa namatay ay sina Ibrahim Casanova, Rakma Casanova, Tayan Zakalia, Abil Kamid, Bagits Alimudin at ang limang buwang buntis na si Mia Casanova habang sugatan naman si Rahim Casanova.

Sa ulat ng Pikit PNP Traffic Division, mabilis umano ang takbo ng traysikel kung saan nag-overtake pa sa sinusundang traysikel ngunit nakasalubong nito ang dumptruck na lulan si kamatayan kaya nagkalasug-lasog ang katawan ng mga biktima.

Dead-on-the-spot ang apat na mga pasahero ng trike habang naisugod pa sa Cruzado Hospital sa bayan ng Pikit ang dalawang iba pa subalit idineklarang patay.

Nakilala ng pulisya ang may-ari ng dumptruck (MEL 721) na si Abdillah Satol ng Shariff Aguak, Maguindanao.

Hindi naman naabutan ng pulisya ang driver at helper ng truck kung saan hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala matapos na tumakas ang mga ito. Rhoderick Beñez PSN

0 comments:

Mag-post ng isang Komento