Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Masahista, patay matapos agawan ng motorsiklo sa Kabacan, NCot; kagabi

(Kabacan, North Cotabato/ February 5, 2014) ---Bulagta ang isang 37-anyos na masahista makaraang barilin ng di pa nakilalang suspek at agawan ng motorsiklo sa may bahagi ng Corner Aglipay St. at Roxas St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato pasado alas 7:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Van Antonio Marollano, binata at residente ng Guiang St., Poblacion ng bayang ito.
Ayon sa report, galing pa umano sa loob ng Superama Store ang biktima at hinihintay nito ang kanyang customer bago nangyari ang insedente.

Sakay ito ng kanyang XRM 125 na motorsiklo at pagdating sa nasabing lugar ay pinara ito ng dalawang suspek at tinangay ang kanyang motorsiklo.

Isa sa mga suspek ay pinagbabaril ang biktima ng dalawang beses at tinamaan sa kanyang dibdib na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng kalibre .45 na baril na ginamit ng mga suspek.

Posibleng kilala din umano ng biktima ng suspek na responsable sa pagtangay ng kanyang kulay itim na XRM motorsiklo.

Matapos na pwersahang kinuha ang kanyang sasakyan ay mabilis na tumakas ang suspek papalayo sa bahagi ng Lower Paatan.

Patuloy ngayon ang ginagawang dragnet operation ng Kabacan PNP para matukoy at mapanagot ang responsable sa pagpaslang sa biktima. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento