(Matalam,
North Cotabato/ January 15, 2014) ---Abot sa P30,000 ang natangay ng mga di pa
nakilalang salarin matapos na nilooban ng mga ito ang Kingdom Hall ng Jehovas
Witnessess sa Matalam, North Cotabato alas 2:30 ng madaling araw kanina.
Ayon
sa report ng Matalam PNP, nalimas ng mga suspek ang isang
amplifier, 2 meter cords ng kanilang sound system, 4 na microphone, 2 piraso ng
25 meters cords, 1 piraso ng 15 meter cord, 1 CD player at 3 bulbs.
Sinira
ng mga suspek ang harap ng bakuran ng nasabing simbahan upang gawing lagusan sa
pagpasok ng nasabing simbahan.
Sa
ngayon patuloy na pinaghahanap ng Matalam PNP ang mga suspek sa nasabing
nakawan sa lungsod.
Ayon kay PO1 Rico Magsael ng Matalam PNP na doblehin ang pag – iingat dahil sa sunod – sunod na nakawan sa nasabing bayan. Rhoderick Beñez with report from Jerry Amahan Saac, USM DEVCOM Intern
Ayon kay PO1 Rico Magsael ng Matalam PNP na doblehin ang pag – iingat dahil sa sunod – sunod na nakawan sa nasabing bayan. Rhoderick Beñez with report from Jerry Amahan Saac, USM DEVCOM Intern
0 comments:
Mag-post ng isang Komento