Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 patay sa Shootout sa Cotabato City

(Cotabato City/ January 16, 2014) ---Patay ang tatlong mga lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa National Highway- Tamontaka Uno, Cotabato city dakong alas 8:00 ng umaga kanina.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya sakay ang mga biktima sa dalawang magkahiwalay na motorsiklo at pagdating sa nasabing lugar ay bigla na lamang itong pinagbabaril ng limang di pa nakikilalang suspek.


Agad namang rumesponde ang Police Station number 3 sa lugar at mabilis na isinugod sa bahay pagamutan ang mga biktima peru hindi na ito umabot ng buhay habang nakatakas naman ang mga naturang suspek.

Kinilala ni Police Senior Inspector Carlos Purinario ang mga biktima na sina Johaider Marunting,36, Guiyanid Ali Adta 58, Kadir Ali Adta parehong, residente ng Sultan Kudarat.


Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulisya para matukoy ang tunay na motibo gayunman ang mga nasa likod ng nasabing pamamaril. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento