Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sundalo, patay; kasamang tulak droga, arestado sa buybust operation sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ January 15, 2014) ---Sinalubong ni kamatayan ang isang sundalo makaraang mapaslang sa isinagawang buy-bust operation sa Poblacion 3, Midsayap, North Cotabato alas 3:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni Supt. Reinante delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang nasawing suspek na si Tumindig Guiapal, aktibong miyembro ng Philippine Army habang kinilala naman ang kasamahan nito na si Teng Kabalu, 46 anyos, isang magsasaka, residente ng Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Manlaban sana si Guiapal sa mga parak pero naunahan ito ng pagtira habang bubunot pa lamang ito ng kanyang armas.

Nakuha mula sa dalawang suspected drug pusher ang tinatayang mahigit 60 gramo ng shabu matapos ang raid ng Midsayap PNP at ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng CIDG si Kabalu at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento