Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Habal-habal drayber, natagpuang patay sa Alamada, North Cotabato

(Alamada, North Cotabato/ January 15, 2014) ---Kalunos-lunos ang sinapit ng habal-habal drayber mula sa kamay ng di pa nakilalang suspek matapos paslangin at agawan ng motorsiklo sa Barangay Kamansi, Alamada, North Cotabato pasado alas 8:00 ng umaga.

Kinilala ni Police Insp. Joeffrey Todeño, hepe ng Alamada PNP ang biktima na si Jeffrey Penesa, residente din ng nasabing lugar

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito.

Personal grudge ang isa sa mga motibong sinusundan ng mga otoridad, gayun paman di pa rin nila isinasantabi ang agaw motorsiklo sa nagpaptuloy na imbestigasyon. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento