Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pulis, patay sa pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2013) ---Patay ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng di pa matukoy na suspek sa bahagi ng Mantawil St. at Purok Krislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 3:30 ngayong hapon lamang.

Kinilala ni PCinps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si PO3 Erland Oro, ng Carmen PNP pero nakadestino ito sa Kabacan sa ilalim ng Task Force Krislam.


Itinumba ang pulis sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo nito gamit ang di pa matukoy na uri ng armas ng di pa nakilalang suspek.

Agad namang nagsagawa ng trackdown operation ang pinagsanib na pwersa ng PNP at Army para sa ikahuhuli ng suspek. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento