Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suporter ng kandidato, patay sa pananambang

(Rajah Buayan, Maguindanao/ October 29, 2013) ---Patay ang isa sa mga supporter ng isang kandidato habang sugatan ang isa pa nitong kasama makaraang tambangan di kalayuan sa Mileb Elementary School sa bayan ng Rajah Buayan, Maguindanao pasado alas 10:00 ng umaga kahapon.
Kinilala ni Rajah Buayan Mayor Zamzamin Ampatuan ang nasawing biktima na si Nasser Malang habang sugatan naman si Saudi Untong, pawang mga pamangkin ni Datu Pingcol na tumatakbong kandidato sa pagkapunong barangay ng Mileb.

Nangyari ang insedente habang kasagsagan ng halalang pambarangay 200 metro ang layo mula sa nasabing paaralan.

Nagtamo ng sugat sa hita si Untong habang tinamaan naman sa tiyan si Malang na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Una rito, nagkaroon ng komosyon sa loob ng Mileb Elementary school matapos magreklamo si Datu Pingcol dahilan upang tawagan nito ang kanyang mga pamangkin.

Pero hindi pa man nakakarating ang mga ito ay tinambangan na agad ng mga armado. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento