Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 Katao, tiklo ng mga otoridad sa magkahiwalay na operasyon kontra illegal drugs sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 22, 2013) ---Kulungan ang bagsak ng dalawa katao matapos na mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa Kabacan kahapon.

Sa report ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP alas 3:00 ng madaling araw kahapon ng unang mahuli ang suspek na kinilalang si Efren Orpia Nebria, 33-anyos at residente ng Gen. Luna, Carmen, Cotabato.


Nakuhan mula sa posisyon ng suspek ang mga illegal drug paraphernalia at dalawang sachet na naglalaman ng shabu.

Nahuli si Nebria habang nagsasagawa ng dawntime patrol operation ang pulisya sa bahagi ng Corner National Highway at Masagana St., Pobalcion, Kabacan.

Samantala, huli naman ng mga otoridad sa isinagawa nilang checkpoint operation sa may bahagi ng Abellera St., ang isang Joseph Guiambangan, 20-anyos at residente ng Plang Village matapos na makuhanan ng dahon at ugat ng Marijuana na nakabalot sa newspaper.

Nahuli ang suspek pasado alas 2:00 kahapon ng hapon.

Bukod sa nabanggit nakuha din mula kay Guiambangan ang “alcoy” na naglalaman ng Marijuana.


Sa ngayon, kapwa nakapiit sa Kabacan lock-up cell ang dalawa habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban sa mga ito. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento