Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Konsehal sugatan sa pamamaril

(Cotabato City/ September 18, 2013) ---Pinagbabaril ang konsehal ng Mother Kabuntalan, Maguindanao sa may bahagi ng Lugay-lugay Street, Cotabato City Kamakalawa.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Rahiema Sangkad Sumagka.


Sa ulat ng Cotabato City Police Office, nagtamo si Sumagka ng tama ng bala mula sa di pa matukoy na uri ng baril sa kanyang tiyan habang sugatan din ang kanyang lalaking apo na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang leeg.

Sa ngayon, patuloy na ginagamot si Sumagka at kanyang apo sa isang ospital sa Cotabato City.

Agad namang kinondena ng Philippine Councilor's League- PCL-Maguindanao ang pagbaril kay Sumagka.

Ayon kay PCL-Maguindanao chapter public relations Officer at Datu Abdullah Sangki Councilor Datu Anwar Emblawa, dapat na madaliin ng mga awtoridad ang imbestigasyon sa kaso upang mapanagot ang mga nasa likod ng pagbaril. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento