Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 kabataan tinadtad sa loob ng tolda sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ September 20, 2013) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang tatlong menor-de-edad matapos na matagpuang tadtad ng saksak sa loob ng isang tolda na kanilang pahingaan sa sakahan sa Barangay Aringay, Kabacan, Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang tatlong mga biktima sa kanilang mga alyas na sina Owen, 14; Butchoy, 12 at Jony, 20, Barangay Liliongan, Carmen, North Cotabato.

Dakong alas-6 ng umaga nang madiskubre ang mga bangkay ng mga biktima na pawang naliligo sa sari­ling dugo.

Ayon kay Maribojo, posibleng isinagawa ang krimen sa tatlo ng mga di-kilalang salarin kamakalawa ng gabi o madaling-araw kahapon.

Ang tatlo ay katiwala ni Kidlat Mangindre Samadalan, nasa tamang edad at residente ng Barangay Bannawag ng bayang ito sa pagpapastol ng kanyang itik.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga imbestigador, maliban sa pinagsasaksak ang mga biktima ay nagtamo din ng ilang pasa na posibleng matigas na kahoy ang ipinanghampas sa mga biktima hanggang sa mapatay.

Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya upang mabatid ang motibo sa pamamaslang. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento