Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Van vs. Pick-up: 2 dedo, 11 sugatan

(Polomolok, South Cotabato/ August 27, 2013) ---Hindi nakaligtas sa karit ni kamatayan ang dalawa katao matapos mapatay habang 11 naman sugatan makaraang masangkot sa vehicular accident sa Purok Matulungin, Magsaysay, Polomolok, South Cotabato kaninang umaga.

Sa ulat ng Polomolok PNP sangkot sa nasabing insedente ang depampasaherong van at pick-up.


Kinilala ni P02 Alnie Sadyang-abay, ng Polomolok PNP, ang dalawang binawian ng buhay na sina Joel Katsawan na taga-Purok Maguindanao, Labangal, General Santos city na driver ng van at ang pasahero na si Sherwin Sibyal na taga-Polomolok.

Ang dalawa ay namatay on the spot.

Napag-alaman na walo katao ang sugatan sa van at tatlo naman sa pick-up.

Sa inisyal na pagsisiyasat, lumalabas na ang mga sakay ng pick-up ay papuntang Koronadal City at nagmamadali dahil sa may ililibing na kamag-anak, habang ang direksyon naman ng van ay papuntang GenSan.

Sa kasalukuyan ay nilalapatan na ng medikal na atensiyon ang mga biktima sa bahay pagamutan. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento