Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, pinagtataga hanggang sa mapatay sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 30, 2013) ---Malapit ng mapugutan ng ulo ang isang magsasaka dahil sa pananaga sa kanya ng di pa matukoy na suspek sa brgy. Dagupan, Kabacan, North Cotabato alas 12:00 ng tanghali kahapon.

Kinilala ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Marcelo Mutoc, 67, magsasaka, residente ng Barangay Katidtuan, Kabacan, Cotabato.


Ayon sa report, sakay ang biktima sa kanyang service motorcycle ng mangyari ang insedente.

Nagtamo ng iba’t-ibang sugat ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Bukod sa pananaksak at pananaga na ikinabali ng leeg ng biktima ay tinangay pa ng suspek ang motorsiklo nito.

Nakita sa crime scene ang bolo na ginamit sa nasabing insedente.

Ayon sa PNP, posibleng matindi ang galit ng suspek sa biktima batay naman sa mga sugat na tinamo nito. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento