Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lumba sa Pulangi, gagawin ngayong araw sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ August 28, 2013) ---Isasagawa ngayong araw ang Lumba sa Pulangi, isa sa mga aktibidad ng Kalivungan festival at 99th founding anniversary ng North Cotabato.

Gagawin ang 4th Gov. Lala Taliño Mendoza Banca Race sa Ugalingan bridge sa bayan ng Carmen.


Bukod sa nasabing aktibidad gagawin din ang Kavurunan Festival sa Carmen National High School sa nabanggit ding bayan.

Habang isasagawa naman ang Kumbali sa Kusina, isang Skills competition na gagawin sa Provincial gymnasium, Amas, Kidapawan city.

Gagawin naman bukas sa Pikit, North Cotabato ang sipa sa Mangis at Kulintangan Extravaganza sa Municipal Plaza ng bayan ng Pikit.

Sa August 30 naman ang Lumba-anay sa Salbabida na gagawin naman sa Libungan-Alamada river.

Tema ng selebrasyon ngayong taon: Cotabato @ 99: Nagkaka-isang Lakas tungo sa Matatag na Bukas. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento