Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bus vs van: 4 todas

(Davao city/ August 27, 2013) ---Apat-katao ang iniulat na namatay makaraang suwagin ng pampasaherong bus ang kasalubong nitong van sa kahabaan ng Davao-Agusan Highway, KM26 sa Barangay Lasang, Davao City, Davao del Sur kamakalawa ng umaga.

Kabilang sa mga namatay ay driver ng Toyota Liteace van (PLT 632) na si Anacleto Pedrosa Jr., 72, Dating professor sa University of Southern Mindanao sa Kabacan; habang Idineklarang patay sa Rivera Hospital sa Panabo City ay sina Meriam Flores, Maribeth Datoon at si Ana Marie Pedrosa, 7, pawang nakatira sa San Juan Subd., Davao City.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Ronald de la Rosa, director ng Davao City PNP, inagaw ng Bachelor Bus (LVY853) na minamaneho ni Rustituto Rodoa ang kabilang linya ng highway kaya nasalpok ang Toyota Liteace van. Ang mga biktima ay patungong Davao City mula sa kanilang bukirin sa Buenavista.  Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento