Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pasahero ng Weena Bus, sugatan sa isang pamamaril sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ June 10, 2013) ---Sugatan ang isang pasahero ng Weena Bus sa nangyaring shooting incident sa loob mismo ng Bus habang tinatahak ang kahabaan ng National Higway na nasa Fort Pikit, Pikit North cotabato alas 11:27 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Pikit PNP ang sugatan na si Regie Asu Tayros na tinamaan sa kaliwang braso nito.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat,  isang di pa nakilalang suspek ang bumaril sa driver ngnasabing bus na kinilalang si Joseph Arguellas Eri, nasa tamang edad at minamaneho ang nasabinbg unit ng sasakyan papuntang cotabato city at pagdating sa nabanggit na lugar ay ay binaril ng di pa nakilalang suspek.

Bagama’t di tinamaan ang biktima tumama naman ang bala sa isang pasahero.

Agad namang isinugod ang biktima na sa pinakamalapit na bahay pagamutan. (Rhoderick BeƱez)