Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mister Patay habang Misis nakaligtas sa panibagong pamamaril ng riding in tandem sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 11, 2013) ---Patay ang 61 taong gulang na mister habang nakaligtas naman ang misis nito sa panibagong shooting incident na nangyari sa Purok Namnama, Lower Paatan, Kabacan, Cotabato pasado ala 1:00 kahapon ng hapon.

Kinilalang Kabacan PNP ang biktima na si Narciso Tombok, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa insiyal na pagsisiyast ng PNP papauwi na ang mag-sawa sakay sa kanilang topdown na tricycle XRM 125 kulay itim ng sundan ng riding in tandem at walang abu-abong pinagbabaril, 400 na metro lamang ang layo mula sa kanilang pamamahay.


Bulagta ang biktima kungsaan tinamaan ito sa tiyan at tumagos ang bala sa likurang katawan nito.

Agad namang isinugod sa ospital si tombok pero ideneklarang dead on arrival ng mga attending physician.

Sa report ni 7th IB Commanding Officer Lt. Larry Valdez gamit umano ng riding assassin’s ang kalibre .45 na pistola sa nasabing pamamaril.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek papuntang brgy. Cuyapon sakay sa Kawasaki motorcycle makaraang maisakatuparan ang masamang balakin.

Pangalawang kaso na ito ng pamamaril sa buwang ito sa bayan ng Kabacan, ang una ay noong Biyernes ng gabi kungsaan biktima ang isang 26-anyos na kawani ng motortrade. (Rhoderick BeƱez)