Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Granada natagpuan sa USM Main Campus

(Kabacan, North cotabato/ June 6, 2013) ---Isang MK2 fragmentation grenade ang narekober sa harap ng nagsisilbing bang house ng mga raliyesta malapit sa USM main gate, Kabacan, North Cotabato pasado alas 9:00 kagabi.

Sa report ng Kabacan PNP, isang security guard umano ang nakakita ng nasabing granada.


Agad namang rumisponde ang mga tauhan ng Kabacan PNP at di nagtagal ay dumating ang tropa ng bomb squad para idetonate ang pampasabog.

Sa pagsisiyasat ng bomb squad, hindi pa natuklasang hindi pa natatanggal ang pin ng naturang granada. Magkagayunpaman, nagdulot ito ng pangamba sa ilang mga kawani ng Pamantasan.

Sa ngayon iniimbestigahan na ng mga otoridad kung sino ang naglagay ng nasabing granada at inaalam ang motibo nito o kung ito ay pananakot lamang.

Ito ay bukod pa sa gagawing sariling imbestigasyon ng USM Security Force. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento