Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Senior Police sa Kidapawan City, ‘brain dead’ matapos masangkot sa New Year’s road Accident


(Kidapawan City/ January 2, 2012) ---Kritikal ang kondisyon ng isang magreretirong sanang Senior Police Officer ng Kidapawan city PNP matapos na masangkot sa isang vehicular accident alas 12:30 ng madaling araw nitong pagsalubong ng bagong taon.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si SPO4 Rene Cartagena Presno, chief executive senior police officer (CESPO) ng Kidapawan City PNP.

Batay sa report, tinatahahak umano ni Presno ang kahabaan ng National Highway sa Singao sa nasabing lungsod sakay sa kanyang Loncin motorcycle ng mabangga ng isa pang rumaragasang motorist.

Ang biktima ay walang suot na helmet ng ito ay mabagok sa semento.

Dalawa sa mga sakay ng nakabangga sa opisyal ay sugatan na nakilalang sina Felicitas Libawan at Nelia Libawan,kapwa residente ng Barangay Lanao sa nabanggit na lugar.

Agad namang umanong tumakas ang suspek papalayo sa madilim na lugar sa nasabing kalya ng singao.

Ang mga bystanders at mga volunteers pa ng 505 Disaster Rescue Emergencies Assistance and Management (DREAM) ang nagsugod sa biktima sa hospital.

Sa ngayon patuloy pang nagpapagaling ang biktima kungsaan oxygen na lamang umano ang bumubuhay sa kanya, ayon sa report. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento