Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 buwang buntis; patay matapos magbigti sa Kabacan, Cotabato sa New Year's day

(Kabacan, North Cotabato/ January 2, 2012) ---Sinalubong ni kamatayan ang isang tatlong buwang buntis na babae sa unang araw ng bagong taon makaraang magbigti sa kanilang bahay alas 9:30 ng gabi sa Brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato.


Ayon sa report ng Kabacan PNP, kinilala ang biktima sa pangalang Myla Mayo, 33- taong gulang at residente ng Bliss, Purok 7 ng nabanggit na lugar.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, ginamit umano ng biktima ang lubid na itinali sa kanyang leeg na nakabitin sa kanilang bubong ng bahay sa pagmamakamatay.

Nakita umano ang biktima ng isang Josel Detarino Kotillas na nakabitin sa lubid makaraang pinasok nito ang bahay ni Mayo sa paghahanap sa nawawalang nitong anak.

Bumulagta sa kanya ang nag-suicide na ka-live-in partner ng kanyang kapatid.

Sinugod pa nila ang biktima sa Kabacan Medical Specialist pero ideneklara na itong dead on arrival ng mga attending Physician.

Posibleng umanong matinding problema sa pamilya ang isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga otoridad kung bakit nagpakamatay ang suspek. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento