Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

7-anyos na bata; patay matapos mabangga ng isang sasakyan sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ January 2, 2012) ---Patay ang isang pitong taong gulang na bata makaraang mahagip ng rumaragasang KIA-SUV sa crossing ng national highway sa bayan ng Matalam, North Cotabato, alas 10:00 ng umaga noong Sabado.
       
Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Quennie Rose Mendoza, Grade-One pupil ng Matalam Elementary School at residente ng Poblacion, Matalam.

       
Kinilala naman ang driver ng KIA na si Arthur Anolao, empleyado ng Kabacan Water District dito sa bayan ng Kabacan, na nagtamo din ng sugat matapos na mahulog ang sinasakyan sa isang canal sa National Highway.

Sinabi ni Anolao sa mga pulis na iniiwasan umano nitong mabundol ang batang babae pero huli na anya ang lahat at na aksidente nitong nasagasaan.

Agad naman siyang humingi ng tulong sa mga bystanders sa lugar para agad na madala sa Babol General Hospital sa bayan ng Matalam ang biktima subalit ideneklara ng mga attending physician na dead-on-arrival ang bata dahil sa malubhang kalagayan nito.

Agad namang sumuko ang suspek sa mga kapulisan at inaku nito ang pagpapalibing sa biktima.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento