Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mister patay; mag-ina nito sugatan sa pamamaril sa Kidapawan City

(Kidapawan city/May 28, 2012) ---Patay on the spot ang 42-taong gulang na si Ricardo Cabilos nang barilin ng mga ‘di kilalang suspect sa may Barangay Binoligan, Kidapawan City, alas-10 ng gabi, noong Sabado.


Sugatan naman ang misis niya at ang kanilang menor-de-edad na anak na ‘di kinilala sa report.

Ayon sa mga testigo, naglalakad pauwi ng bahay nila sa Barangay Binoligan ang mag-anak pagkatapos manood ng palabas sa TV sa kanilang kapitbahay nang tambangan at paputukan ng mga ‘di kilalang lalaki.

         
Nakatakbo pa ang mga biktima pero nahabol pa rin sila.
         
Tinadtad ng bala ang lalaki na ikinasawi nito, habang tinamaan ng mga ligaw na ang mag-ina nito na isinugod sa isang ospital sa Kidapawan City para lapatan ng lunas.
         
Ayon sa kapitbahay ng mga biktima, wala raw nakalaban ang mga biktima kaya’t isang malaking palaisipan sa kanila kung bakit kailangang patahimikin ang isa sa mga miyembro ng naturang pamilya.
         
Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa kaso. (MCM/TIMRA) 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento