Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Contractor sa isang road concreting project sa Arakan, North Cotabato pinate-terminate ng DPWH First Engineering District

(Arakan, North Cotabato/May 31, 2012) ---Pinate-terminate na ng Department of Public Works and Highways o DPWH First Engineering District ang kontrata ng Masulot Construction Company dahil sa hindi mahusay na performance nito.

         
Ito ang sinabi ni OIC Cotabato District Engineer Mamintal Taha sa panayam.

Ang Masulot Construction ay nakabase sa Cotabato City.
         
Sa panayam, sinabi ni Taha na sila na mismo ang nag-rekomenda sa DPWH central office na i-terminate na ang kontrata ng Masulot sa Arakan highway.
         
Mataas daw ang negative slippage ng trabaho ng Masulot, ayon sa report ng DPWH.
         
Ang Masulot Construction ang nakakuha ng road concreting project sa may Barangay Naje patungo ng Barangay Doruluman sa Arakan, North Cotabato.
         
Kapag naaprubahan na ng DPWH central office ang termination ng project sa ilalim ng naturang contractor ay agad isasagawa ng Cotabato First Engineering District ang negotiated contract.  (Malu Manar)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento