Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PRC on Wheels darating sa USM, Kabacan, Cotabato; filing para sa mga kukuha ng licensure examinations mas pinadali

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 30, 2012) ---Sa layuning mapadali ang filing ng mga kukuha ng licensure examinations sa Region 12 at ARMM, darating dito sa University of Southern Mindanao, USM, Kabacan, Cotabato sa Hunyo a-dos at a-tres ang Professional Regulation Commission o PRC Davao Regional Office.

Ayon kay USM Review Center Manager Dr. Anita Tacardon na ang maari makapag-file lamang ay ang mga fresh graduates mula dito sa USM at sa iba pang mga pribado at pampublikong paaralan sa mga kalapit na lugar ng Kabacan.

Isasagawa ang nasabing serbisyo ng PRC sa College of Education Building para sa processing of application for examinations sa June 2 mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon at sa June 3, 2012 mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

Samantala ng deadline sa pag-proseso sa mga aplikasyon para sa mga teachers ay sa June 29, 2012 mga baguhang kukuha lamang, foresters sa June 25, 2012 at sa mga agriculturist sa July 9, 2012.

Maari ring maka-pag-renew ng Professional Identification Cards, certification requests, authentication requests at iba pang mga inquiries.

Para sa karagdagang imporamasyon maari tumawag sa USMFA Office sa 248-2898 at idial naman ang (064) bilang area code sa mga outside North Cotabato. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento