Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kick off Activity ng Brigada Eskwela, isinagawa sa Matalam National High School


(Matalam, North Cotabato/ May 21, 2013) ---Pormal ng nagsimula ang ang Brigada Eskwela sa probinsiya ng North Cotabato kahapon ng umaga.

Sa eksklusibong panayam ng DXVL News kay Kabacan Pilot Central Elementary School Principal Annie Roliga isinagawa ang Kick off activity sa Matalam National High School.

Maguindanao, nakaalerto laban sa mga pambobomba


(Datu Montawal, Maguindanao/ May 21, 2013) ---Nananatiling naka-alerto ngayon ang mga otoridad sa probinsiya ng Maguindanao isang linggo matapos ang halalan.

Ito makaraang hindi pa rin ligtas ang probinsiya sa mga pambobomba.

44-anyos na magsasaka, patay sa pamamaril sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ May 20, 2013) ---Dead on Arrival sa ospital ang isang 44 na taong gulang na lalaki makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa may National Highway, partikular sa harap ng Sea Oil Gasoline Station, Poblacion, Matalam, Cotabato alas 11:25 kagabi.

Kinilala ni SP01 Froilan Gravidez ng Matalam PNP ang biktima na si Marlon Canuto, may asawa, magsasaka at resident eng brgy. New Alimodian ng nabanggit na bayan.

Breaking NEWS: IED sumabog sa kabacan, North Cotabato; ngayong gabi lamang!


(Kabacan, North Cotabato/May 19, 2013) ---Ginulantang ng malakas na pagsabog ang bayan ng Kabacan, North Cotabato ngayong gabi lamang.

Ayon sa Kabacan PNP, isang Improvised Explosive Device o IED ang sumabog sa may Aglipay St., partikular sa harap ng Pacifica Agrivet Supply tabi lamang ng Dalton Pawnshop, Poblacion ng bayang ito alas 7:45 ngayong gabi.

2 kasapi ng MILF sugatan sa sagupaan ng mga rebeldeng grupo sa North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ May 17, 2013) ----Sugatan ang dalawang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraang sumiklab ang bakbakan ng dalawang naglalabang grupong Moro National Liberation Front (MNLF) sa Brgy. Marbel, Matalam, North Cotabato alas 6:20 ng umaga kahapon. 
Ayon kay 602nd Brigade Spokesman Captain Antonio Bulao ang mga sugatang rebelde ay isinugod ng mga rumesponding mga sundalo sa Cotabato Provincial Hospital, Amas Complex, Kidapawan city para mabigyan ng medikal na atensiyon.

7 buwang sanggol inihatid na sa kanyang huling hantungan makaraang masabugan ng granada sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ May 16, 2013) ---Inihatid na sa kanyang huling hantungan kahapon ang pitong buwang sanggol na babae makaraang masabugan ng granada ang kanilang bahay sa may Malvar St., ng Poblacion, Kabacan, partikular sa likod ng Anulao Hospital alas-2:45 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP, ang nasawi na si Chelzy Jaye Eliarda, habang ang sugatan ay ang ina ng bata na si Suhaina, 33.

Mga kawani ng NIA-12 magtatanim ng 1000 fruit- bearing trees ngayong Hunyo


(Midsayap, North Cotabato/ May 16, 2013) ---Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Irrigation Week at ika-50 anibersaryo ng National Irrigation Administration o NIA ay magtatanim ng abot sa isanlibong fruit-bearing trees ang mga kawani ng NIA-12.

Gagawin ang simultaneous tree growing activity sa darating na a-7 ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Jesus Sacdalan, panalo sa ikalawang termino bilang kongresista


(Midsayap, North Cotabato/ May 16, 2013) ---Landslide ang pagkakapanalo ni Jesus Sacdalan bilang kinatawan ng Unang Distrito ng North Cotabato.

Umabot sa 109, 987 votes ang nakuha ni Sacdalan na napakalayo kung ikukumpara sa mga katunggali nito.

Mayor George Tan, nag concede na, maluwag na tinanggap ang resulta ng botohan; pag granada sa bayan, itinangging may kinalaman ang opisyal


(Kabacan, North Cotabato/ May 16, 2013) ---Maluwag na tatanggapin ni Kabacan Mayor George Tan ang magiging hatol ng bayan sa katatapos na eleksiyon.

Ito ang naging pahayag ng punong ehekutibo sa eksklusibong panayam ng DXVL News ngayong umaga.

Mayor George Tan, itinangging may kinalaman siya sa pagkakabalam ng proklamasyon ng mga bagong winning candidates sa bayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotbato/ May 16, 2013) ---Mariing itinanggi ngayon ni Kabacan Mayor George Tan na may kinalaman siya sa pagkakabalam ng proklamasyon ng mga winning candidates sa bayan ng Kabacan.

Aniya, walang katotohanan ang mga kumakalat na report na siya umano ang nasa likod kung bakit natagalan ang proklamasyon ng Comelec sa mga bagong halal na kandidato.

7 buwang sanggol, patay sa granada sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ May 15, 2013) ---Patay ang pitong buwang gulang na babae habang sugatan ang kanyang ina nang masabugan ng granada habang natutulog sa loob ng bahay nila sa may Malvar St., ng Poblacion, Kabacan, partikular sa likod ng Anulao Hospital alas-2:45 ng madaling araw kanina.
         
Kinilala ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP, ang nasawi na si Chelzy Jaye Eliarda, habang ang sugatan ay ang ina ng bata na si Suhaina, 33. Sa ulo ang tama ni Chelzy na agad niya’ng ikinamatay, habang sa kanang balikat ang sugat na tinamo ni Suhaina Buisan Eliarda.

Vice Mayor sa Banisilan, NorthCot di totoong namatay sa ambush---PD Peralta

Ilang mga pulitiko nangangampanya sa loob ng Paaralan sa Kabacan ---DXVL Volunteers Reporters

iba't-ibang aberya sa PCOS MAchine, naitala sa Kabacan ---PPCRV

Isang Paaralan sa Kabacan, pinasabugan