Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 babaeng menor de edad, patay matapos malunod sa ilog sa Arakan, NCot

(Arakan, North cotabato/ December 1, 2015) ---Patay na ng matagpuan ang dalawang mga batang babae matapos na malunod sa Tinanan River, Sitio Valencia, Sto. Niño, Arakan, North Cotabato alas 10:45 kahapon ng umaga.

Ayon kay PCI Bernard Tayong, tagapagsalita ng CPPO napag-alaman na masayang naliligo at naglalaro ang dalawang bata sa nasabing ilog ng mapadako sa malalim na bahagi nito dahilan para malunod ang dalawa.

Hindi muna isinapubliko ng mga pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawa.

Ayon sa report ang dalawang mga elementary pupils ay mag-aaral ng Meocan Elementary School at residente ng Upper Meocan ng nabanggit na bayan.

Ang 13-anyos na bata ay namatay matapos na malunod mismo sa malalimna bahagi ng ilog habang ang 14-anyos na bata ay nakita na lamang na palutang-lutang ang bangkay nito malapit sa tulay ng Sitio Valencia, Brgy. Meocan, Arakan, North Cotabato.

Kaya paalala ng mga otoridad sa mga magulang na wag hayaan ang inyung mga anak na maligo o maglaro sa ilog na hindi binabantayan.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon sa nasabing insidente. Rhoderick Beñez  


0 comments:

Mag-post ng isang Komento