Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay sa panibagong aksidente sa Highway ng Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ December 1, 2015) ---Patay ang isang 20-anyos na drayber makaraang masangkot sa vehicular accident sa National Highway ng Matalam at Kabacan road, partikular sa harap ng Pascual Store na nasa Purok 3, Brgy. Kilada, Matalam, North Cotabato alas 9:40 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PSI Sunny Leoncito ang biktima na si MJ Salingka Pagayao, binate, out of School youth at residente ng Purok Laguinding, Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato.

Batay sa ulat, nakasalubong ng biktima ang isang Foton Dropside Truck (UYI 242) na minamaneho ni Ronald Gonzales Collanay, 33-anyos, residente ng Purok Pagkakaisa, Brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato na papuntang bayan ng Matalam.

Ang nasabing truck ay may lulang 95 sako ng bigas.

Nagka-engkwentro ang truck at ang minamaneho ng biktima n XRM motorsiklo.

Dahil sa lakas ng impact, patay on the spot ang biktimang si Pagayao.


Agad namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang drayber ng truck na ngayon ay patuloy namang iniimbestigahan ng Matalam PNP. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento