Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki, kulong matapos mahulihan ng di lisensyadong baril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 10, 2015) ---Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms ang isang 37-anyos na lalaki matapos mahulihan ng di lisensiyadong baril sa Poblacion, Kabacan, North Cotabato.

Ang suspek ay kinilala ni Police Senior Ins. Ronnie Cordero hepe ng Kabacan City PNP na si Aljie Panangulon Maidu, may-asawa, na taga Sitio Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan.

Nahuli ang suspek habang nakatayo sa isang establishemento sa Rizal Avenue kungsaan nakitaan ito ng baril na salukbit nito.

Narekober mula sa kanya ang isang unit ng kalibre .45 na baril, isang magazine at pitong mga bala.

Dahil walang maipakitang dokumento ang suspek agad itong pinosasan ng mga otoridad at agad na ikinulong sa Kabacan PNP lock up Cell.


Ang pagkakaaresto kay Maidu ay bahagi naman ng mas pinagting na kampanya ng PNP laban sa pagdadala ng baril sa nabanggit na bayan. Zhaira Sinolinding

0 comments:

Mag-post ng isang Komento