Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Carnapper na tulak droga, huli ng mga otoridad sa bayan ng Midsayap

(Midsayap, North Cotabato/ November 11, 2015) ---Kalaboso ang pinaghihinalaang carnapper makaraang mahuli ng mga otoridad sa inilatag na hot pursuit operation sa Brgy. Central Glad, Midsayap Cotabato pasado alas 10:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Supt. Gilberto P. Tuzon ang suspek na si Jimmy Mentaligo Sultan, 43 anyos, kasado walang trabaho at residente ng Tinululan Pikit Cotabato.

Narekober mula sa suspek ang isang carnapped Honda XRM 110 motorcycle na may plakang 6085 MA, na pag mamay ari ni Kasan Piang Maukan residente ng Baranggay Central Glad Midsayap.

Nakita rin mula sa suspek ang 2 piraso ng plastic na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, isang lighter, 2 pirasong maliliit na aluminuim foil at 1 pitaka.

Sa ngayon inihahanda na ng mga kapulisan ang patong-patong na kasong isasampa laban sa kanya. Zhaira Sinolinding


0 comments:

Mag-post ng isang Komento