(Matalam, North Cotabato/ November 12, 2015) ---Arestado
ang isang 42-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa
National Highway ng Matalam-Kidapawan road, ilang metro lamang ang layo mula sa
Rotanda ng Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 7:30 kagabi.
Kinilala ni PCI Sunny Rubas Leoncito ang suspek na si Antonio
Vidal Villar, laborer at residente ng Brgy. Talomo, Davao City.
Nakuha mula sa kanya ang isang pirasong malaking heat
sealed transparent sachet na naglalaman ng shabu at may street value na P6,000.
Nahuli ang suspek sa mas pinaigting na kampanya ng
Matalam PNP laban sa illegal na droga. Rhoderick
Beñez


0 comments:
Mag-post ng isang Komento